Celphone ng isang dukha
.
`⋎´✫¸.•°*”˜˜”*°•✫Party party!
..✫¸.•°*”˜˜”*°•.✫
☻/ღ˚ •。♥ ˚ ˚✰˚ ˛★* 。 ღ˛° 。* °♥ ˚ • ★
/▌*˛˚ ░ ░ DECEMBER is here!°♥ ˚ • ★ *˚ .ღ 。
... • ★ *˚ .ღ 。 • ★ *˚ .ღ 。 • ★ *˚ .ღ 。✫ ✫ ✫
Naaalala mo pa itong mga graphic text nung high school ka?
c",) (~.~) T_T
E yung mga oras na pahirapan magtype, mag save at paulit ulit na pag eedit kasi hinde kasya sa limited character ng Nokita 3210, Naa-alala ko pa na noong sophomore ako na nanghihiram lang ako sa mga classmate ko ng bagong bago niyang Nokia 3310 kasi ita-top score ko ang Snake 2 nila (ung snake na tumatagos sa sides ng screen kasi walang wall).
Hay buhay dukha nga naman. Minsan naman bibili pa ko ng booklet sa national bookstore para lang copyahin ang mga graphic text na walang kalatoy latoy, pero sa isang dukhang katulad ko ito ay katatawanan na kailangang maibahagi sa lahat.
At dahil ako'y isang dukha, naaalala ko pa na nilalakad ko nalang ang kalye papalabas ng subdivision namen para makatipid kasi bibili ako ng pure text card para lang makapag send to many ng mga qoutes tapos panalo ang drop call na kala mo bang daig pa ang Da Vinci code pag hinde mo naintindihan ang point zero 5 nano second (.05 nano sec) na message ng mga kausap mo. Lahat yon ay masasayang ala ala ko nung ako ay high school pa't nagcecellphone na.

Comments