Fireflies in the office


Voice 1: Oh my God! Oh my God!
Voice 2: stay with us! don't leave us
Voice 3: i-CPR nyo! CPR nyo!
Voice 2: matigas na bagay! spoon, spoon dali!
Voice 2: Ano gagawin ko dito!
Voice 4: Eto! dali!

Those were the very words I can still recall when I was drifting from a far, floating in the middle of nothingness, slowly, slowly then fading...

“Ang tahimik dito, napaka kalmado, demmm nakakarelax. Wala na akong hihingin pa kung ganito lang ang gabi ko palagi”, Sabi ko sa sarili ko habang ako ay palutang lutang sa gitna na kawalan.

Asa probinsya bako? bakit walang ka ilaw-ilaw kahit saan?, brown out ata?

Voice 2: matigas na bagay! spoon, spoon dali!
Voice 2: Ano gagawin ko dito!
Voice 4: Eto! dali!

“Anu yun? me kaganapan ata malapit dito, maki usyoso nga”, mga pag-uusap na narinig ko mula sa hinde kalayuan, at sabay lutang kung san nanggagaling ang ingay. Uy, mga anino! Pero bakit parang ang dilim, Anu meron?, dali-dali akong lumutang kung saan siya.

Ano kayang kaganapan ito? tanong ko sa sarili ko.

“Psssst ano meron?” tanong ko sa anino habang hinihimas nya ang isa pang anino na animoy nakahiga sa sahig.

anu meron, baka makatulong ako? pero deadma lang ang anino at patuloy parin ang paghimas nya sa katawan habang mangiyak ngiyak na sinasabeng, “gising na bebe”.

“Ay, baka busy lang sya”. Sabi ko sa sarili ko kaya binaling ko ang tingin ko sa aninong nakahiga, at napansin na may isa pa palang anino sa uluhan. Lumutang ako kung asan sya ngunit ramdam ko ang pag aalala nya ng ikalawang anino.

Voice2: Ibuka mo! Ano ba!, sigaw ng anino habang pinipilit ipasok ang kanyang kamay sa bibig ng nakahiga. (naalala ko tuloy ang aso ko pag ayaw uminom ng gamot)

Voice2: Matigas na bagay! madali!, sigaw nya sa mga nakatayong anino. Uyyy mga karagdagang anino, at saka ko lang napansin ang iba pang aninong mabilis na dumarami at pumapaligid sakin.

Sheyt! Sa aking pagka gulat bigla akong lumutang papaitaas sa kumpol ng mga anino. “amputa ah, wag nga kayung mang-gugulat, aatakihin ako sa puso sa ginagawa nyu eh”. Sabi ko habang hinahabol ko ang hininga ko sa pagkakagulat. Matagal ko silang tinitigan at inobserbahan habang nakatiwarik na palutang lutang na kala mo isang alikabok at sabay pakinig sa salitaan nila.

Voice 1: Eegee Stay with us!
Voice 2: Buka mo! Bukaa!
Voice 1: Bebe don't leave us (habang kinakalma ang aninong nakahiga)
Voice 1: Gising kana please (sabi nya habang umiiyak sya)

“Awww ang sad naman, ayokong nakakakita ng umiiyak”

lalapit sana ako para patahanin sya ng biglang may alitaptap na lumutang mula sa kumpol ng anino. Uy! ang cute oh, sabi ko sa alitaptap habang papalapit saken.

Hello! bakit ka mag-isa? tanong ko sa alitaptap ngunit lumutang lang ito ng paikot ikot at walang tigil. Awwww gusto mo makipag laro? at saka ito lumayo patungo taas. Heyy hintay! lulutang na sana akong papasunod ng bigla kong narinig ang ingay mula sa anino.



Voice 3: i-CPR nyo! CPR nyo!
Voice 2: matigas na bagay! spoon, spoon dali!
Voice 2: Ano gagawin ko dito!
Voice 4: Eto! Eto!

“Hmmmmm, CPR? parang alam ko na ang nangyayari sa eksenang ito.” Bilang nurse alam ko na ang mga susunod na mangyayari. Lulutang na sana akong papalapit sa mga anino ulit ngunit biglang bumalik ang alitaptap na para bang gusto na nya kong sumama at makipaglaro.

Uyyy bakit andito kapa?, sabi ko sa alitaptap, pero tulad ng dati hinde nanaman sya sumagot (expecting?) at patuloy lang na lumutang sa harap ko na para bang gusto nya kong sumama papataas sa kalangitan. At sabay lumabas pa ang ilan pang alitaptap. Tenge-nuh ang astig! Guys hope you can actually see this, it's so majectic! (hashtag boom!)

Ang ganda! binuka ko ang palad ko at may isang dumapo, “ang warm” nagtagal ng ilang segundo at saka lumipad patungo sa likod ko. Sinundan ko ng lingon ang alitaptap at sabay nabighani sa aking nakita, isang malaking constellation ng mga alitaptap. Wew! Ang ganda, sana ganito nalang lagi...

sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang mga naglalarong alitaptap.

Ang ganda, sana hinde na matapos ang gabi...

pero bigla kong narinig na sinabi nyang "Bebe gising kana, please"

Kilala ko ang boses nayon, bakit anong meron kaya? sabay ngiting sabi "Eto na, pauwe napo"



Sa huling pagkakataon, tinignan ko ang mga alitaptap sa aking kalangitan at sabay sinubukang abutin muli ang mga ito ngunit masyado na silang malayo. Sinubukan kong abutin ang ibang alitaptap sa aking harapan pero ako'y bigo, ang tangi ko nalang nahawakan ay isang bagay na ani mong hugis bilog.

Kinapa ko pa ang ilang bahagi nito at naramdaman ang hugis tatsulok na bahagi “Nose” hawak ko ay isang “Nose”, muka ang aking hawak. Ang sarap sa himasin, kanino kang muka? At saka ko naramdaman ang mainit na palad sa aking leeg.

Voice 2: Babe, wake up, don't leave us, okay

Okay, sabay ngiti habang sinagot ko ang boses

Atsa pagkakarinig ng mga katagang ito, unti- unti kong napansin ang paglayu ng mga alitaptap. “Ang ganda parin nila” then saka isa isa silang kumutitap at nagbago bilang mga bituin. Awww, don't change yet :(, hinde ko pa kayu na iinstagram. Hinayang kong sigaw sa mga “bitaptap” (bituwing alitaptap)

Ngunit ang sigaw ko ay hinde sapat para kumbinsihin sila. Maski sa huling sandali gusto ko sana silang maramdaman uli pero mabilis nang bumabalik ang mga aking pandama. Eto na ba talaga ito? Ramdam ko ang init ng palad sa aking leeg, ang lamig ng aking likod, mga sakit sa ilang parte ng katawan ko lalo na ang ulo ko at ano itong asa bibig ko?

Umiingay na ang paligid ko, asan na ang katahimikan?, Asan na?, ASAN NA!?

Ingay nyo naman, pilit kong sigaw ngunit walang boses na lumabas

Voice 5: Ser, ser, alam mo ba kung asan ka?
Voice 6: Eegee, are you okay?
Voice 5: Sir, anong name mo?

“Eegee po?” groggy kong sagot sa babaing nakalugay, sabay tanong ng “ anong nangyari?

Voice 2: Long story, babe can you stand up?
Eegee: Ouch, sakit ng bibig ko, ano bang nangyare kase?
Voice 5: Wil tser! Wil tser , ser humiga kalang
Eegee: Huh? Anong nangyare?
Voice 2: Hard to tell babe, but I'm glad your awake na, sabay yakap.

at sabay wi-neel chair ako patungong clinica .

Comments

Popular Posts