The love story written in Dark Cocoa Ink

And then he sat beside me and said in a low faint voice, I'm sorry. Patay malisya kong sinabeng Huh? thinking that he would take the bait of my pretensions but then, for some reason, he was able to speak again and said it twice but with more conviction "I'm sorry sa nangyare!", "I'm sorry sa lahat","I'm so sorry talaga" Tinaas ko ang isa kong daliri, as a sign of objections at di ko narin napigilan tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.


"Punyeta ka!" sabe ko sa isipan ko habang naka tulala sa kanya, pero napangiti nalang ako at sinabing "it's alright, I'm okay with it, sanay na ko, wag kana mag sorry". sabay nood ulit sa t.v. Umupo ulit sya sa sofa sabay nood din, alam kong effective and pagkukunwari ko kaya dahan dahan nakong nagrelax habang nanonood ng Little mermaid.



Hinde ko maiwasan na, maalala yung unang labas namen, unang text, unang pang aaway ko sa kanya, at unang baluktot kong tagalog na sinabe sa kanya. (Napaka manipulative ko pala) Akala ko okay na sya, pero di ko namalayang katabe ko na ulit sya. Pinatong nya ulo nya sa balikat ko, Akala ko manlalambing lang pero sinabe nya ulit saken "Sorry na talaga Eegee" Sorry sa lahat-lahat ng nangyare

Hinde ko inexpect na sasabihin ulit nya saken yon, wala akong nagawa kung hinde subukan isupress ulit ang mga nararamdaman namen, pero kinulang ako sa oras, para ba akong pinaputukan ng Cuarentay cinco sa muka. Wala akong nagawa kung hinde sabihin, "Wag ka na mag sorry saken, kase iiyak ako"  pautal -utal kong nasabe.


Sorry...

Ang kulit! Wag nga!....


Kase iiyak ako tulad ng pag iyak ko nung nalaman kong patay na sya, maaalala ko na naman ang lahat ng sama ng loob ko sa inyong lahat, so please wag kang mag sorry saken. ayoko umiyak ulit".

Sorry talaga Eegee, sabay yakap nya sa akin na mahigpit. Wala akong nagawa kung hinde alisin ang maskarang pinagpatong patong ko para lang maitago ang tunay kong nararamdaman. "Puta ka! Puta ka!", minura ko sya hanggang mapagod ako at matahimik habang yakap nya. "Pagod na talaga ako, gusto ko nang mag pahinga, ano ba talaga nangyare saten.....





#unwrittenlovestory, #akosinumero34, #akosinumero35 #fiction

Comments

Popular Posts